Cardinal Tagle’s Advent appeal to RH law makers, encouragement for the anxious

Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle launched traditional advent Simbanggabi (night mass) novena in the archdiocese yesterday with an appeal to all to focus on Jesus at this time of anxiety over the push to pass the reproductive health (RH) bill, which Philippine bishops had opposed for more than a decade.

His statement makes reference to escalated actions of law makers to amend and vote on the amended version of the RH bill, after President Benigno Aquino certified it as urgent last week. 

To evaluate for yourself Cardinal Tagle’s message, the text arriving from his Manila archdiocese (in English and Tagalog) is posted below:

December 16, 2012

Dear Brothers and Sisters in Christ,

It is the first day of Simbanggabi! During these nine days we symbolically join the Blessed Mother in her nine months of joyful expectation for the birth of Jesus. Today happens to be Gaudete Sunday, a day of Rejoicing for the Son of God is near. He is truly Emmanuel (God is with us). His name is Jesus for God saves. That is why in the first reading Zephaniah could say, “Be not discouraged!” That is why in the second reading St. Paul could say, “Dismiss all anxiety.” The assurance that Jesus saves is the reason for our joy in the midst of uncertainties, suffering and conflicts. We cannot save ourselves. Jesus will save us.

Joy in Christ leads to conversion to Christ and His ways. Conversion to Christ in turn leads to conversion to love of the poor, truth, justice and humble service as St. John the Baptist said. I call on all Catholics in the Archdiocese of Manila to make their joy complete by turning away for what is contrary to the Gospel in order to follow Jesus. As the issue of the RH bill heats us again, I appeal to our legislators in the House of Representatives and the Senate to welcome Jesus with joy. His Word and Wisdom (and not just any human word or wisdom) is needed to form consciences. I pray that you may prepare a straight path for the Lord so that the Filipino people of today and those of coming generations may find true and lasting joy.

To all of you I say again, “Rejoice!” “Be not discouraged!” “Dismiss anxiety!” Jesus sees the secrets of the heart. He will set things right. Jesus is near!

+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle

Archbishop of Manila

Pahayag sa Simbanggabi

December 16, 2012

Mga Kapatid ko kay Kristo

Unang araw na po ng Simbanggabi! Sa siyam na araw na darating sasamahan natin ang Mahal na Birhen sa siyam na buwan niyang pananabik sa kapanganakan ni Jesus. Ngayon din po ay Gaudete Sunday o Linggo ng Kagalakan dahil malapit na ang Anak ng Dios. Tunay Siyang Emmanuel (Ang Dios ay nasa piling natin). Ang pangalan Niya ay Jesus sapagka’t Nagliligtas ang Dios. Kaya sinabi ni Sofonias sa unang pagbasa, “Huwag kang matakot. Huwag manghina ang iyong loob.” Kaya sinabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.” Ang kasiguruhan na ililigtas tayo ni Jesus ang dahilan ng ating kagalakan kahit humaharap tayo mga kabalintunaan, pagdurusa at hidwaan. Hindi natin kayang iligtas ang ating sarili. Si Jesus ang magliligtas sa atin!

Ang kagalakan kay Kristo ay umuuwi sa pagbabalik-loob kay Kristo at sa Kanyang daan. Ang pagbabalik-loob kay Kristo naman ay umuuwi sa pagbabagong-loob tungo sa pag-ibig sa dukha, sa katotohanan, sa katarungan at sa paglilingkod na may pagpapakumbaba. Ito ang mga sinabi ni San Juan Bautista. Nananawagan po ako sa inyo mga Katoliko sa Arkidiyosesis ng Manila na gawing ganap ang inyong kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga taliwas sa Ebanghelyo upang sumunod kay Jesus. Ngayong umiinit na naman po ang usapin tungkol sa RH Bill, nananawagan ako sa mga mambabatas sa Congreso at Senado na tanggapin si Jesus nang may kagalakan. Ang Salita at Karunungan ni Jesus (at hindi ang kung anu-anong makataong salita o karunungan) ang kinakailangan upang mahubog ang buhdi o konsensiya. Panalangin ko po na maihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon upang makaranas ang mga Pilipino sa kasalukuyan at sa darating pang mga pahanon ng tunay at wagas na kaligayahan.

Sa inyo pong lahat sinasabi kong muli, “Magalak kayo!” “Huwag manghina ang inyong loob!” “Huwag mabalisa!” Darating na si Jesus. Nababasa siya ang nakatago sa puso ng tao. Iwawasto Niya ang lahat ng mali. Malapit na si Jesus!

+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle

Arsobispo ng Manila

For some perspectives on the Cardinal’s message, read:

Inquirer report

Advertisements